Sunday, June 26, 2005

[" the CaLmNess of your FaCe "]



Bago ko pumuntang ishkuL ngayong araw na toh, binuksan ko muna yung radyo habang ako'y nakatuLaLa, iniisip ko si AiaNe?! Ewan ko habang iniisip ko sya bigLang banat yung radyo ng " the CaLmNess of your FaCe that i see through the night... " eh sa mga sandaLing yun, yun din yung kantang nasa isip ko(the day you said good night by hale). So tinapos ko muna yung kanta whiLe making isip on her. After nun, umaLis nako ng bahay na sya pa din yung iniisip ko. Habang ako'y nakasakay na sa FX papuntang ishKuL, hindi ko namaLayan na nahuLog ata yung teLepono ko. Iba kasi nasa utak ko sa mga sandaLing iyon. Hanggang sa nagLaho sya sa utak ko ng mga sandaLing iniisip ko pano naLagLag yung teLepono ko. Badtrip ako! Naisip ko pano ko sya ittxt kapag nawaLa yun? Sumakay ako ng jeep na badtrip na haLos lahat ng katabi ko sa jeep, eh...nakatingin pa sakin. Parang gusto kong banatan isa-isa tong mga toh ah?! Nakakainis sarap sapakin nga mga katabi ko pati mga kaharap ko, sa bLumentritt papuntang ishKuL na yun.



Habang dumadaan na yung jeep sa UST,eh.... andun pa din yung badtrip ko tapos medyo naiinitan na ko kasi pano ba naman huminto yung jeep na sinasakyan ko kasi nakakabadtrip yung mga studyante ng UST ang tatagaL tumawid. Tapos nun nakatawid na siLang lahat, umabante na kame. PARE NUNG PAGKA-ABANTE NUNG JEEP, SI AIANE NASILAYAN KO NG HINDI SINSADYA. Medyo nakasimangot pa ko nun kasi nga badtrip ko, pero nung nakita ko sya (naka-uniform pa sya ah.. ang cute nya!), sayang kasi umandar na yung jeep tapos papasok na sya sa gate nung ishKuL. Hinabol pa din na mga mata ko si AiaNe pero, naLampasan na nung jeep. Tapos, sabay tanong ko sa kaharap kong pasahero anong oras na. Pare [8:10am]. Nakita ko si AiaNe ng 8:10am June 27, 2005! Haaaaaay...grabe kinikiLig ako kasi nagpa-FLash back yung face nya nung moment na nakita ko sya. Hindi ako makapaniwaLa na ngumingiti akong mag-isa sa jeep na nawaLa na yung badtrip ko. Wala akong naiisip sa mga sandaLing yun kundi sya! Ang saya ko pare, waLang kasing saya! Na haLos habang nagLaLakad nako papuntang ishKuL, sya pa din, yung moment na nasiLayan ko yung maamo nyang mukha laging umiikot, saan man ako daLhin ng mga paa ko iyon at iyon pa din! Pati habang tina-type ko toh, dito sa ishKuL [9:02am]. Wow pare, ang sarap baLikan yung moment na yun, na nag-iisLow motion pa din sa utak ko. Haaaay.... saLamat po sa umagang napakaganda!

Wrote On|5:22 PM|

____________________

Monday, June 20, 2005

[JeepNey on the LooZe!]

Nakasakay ka na ba sa Jeep? MaLamang isa kang Hari, Reyna, oh iba pang mayayamang tao sa mundo kung hindi ka pa nakakasakay sa Jeep. Alam nating mga Pilipino na isa ito sa mga pangunahing ginagamit nating transportasyon sa araw araw na pamumuhay, kung saan dito tayo nakakatipid para dalhin tayo saang mang destinasyon na ating pupuntahan.



Sa bawat pagsakay ko sa Jeep, may mga iLang bagay akong nais ibahagi sa inyo. Mga bagay na kadaLasan kong napupuna, nakikita, napapansin, o nararamdaman habang ako'y nakasakay sa isang pampasaherong Jeep.



no.1] Kapag tayo ay sasakay sa Jeep, db ang kadaLasan nating ginagawa ay itaas ang ating kamay at kumuway kung saan tayo'y makikita ng driver na ang ibig sabihin ay tayo'y sasakay.

tanong] Bakit iyon ang tamang senyas na ginagamit kapag gusto nating sumakay? Naisip nyo ba kung sakaling kumuway kayo sa driver na gamit ang bastos na panuro("fuck you?!")sa tingin nyo ba hihinto ang Jeep at pasasakayin kayo?



no.2] Kapag tayo naman ay na isang istasyon o pilahan ng Jeep, kadalasan tayo'y nakapiLa, nakatayo, umaabante, hanggang sa tayo'y makasakay. Kelangan daw yun para maging matiwasay sa tamang pagsakay.

tanong]Pano kung umuuLan, tapos walang siLungan at wala kang dalang payong manLang, sa tingin mo pipiLa ka pa din para lang magpabasa sa uLan? Eh syempre kung ako yun hindi na ako pipiLa, kanya kanyang sunggab na yan sa Jeep. Eh PINOY ako eh!!! gets?



no.3]Madaming nangyayari sa Jeep na ating nararanasan kapag tayo'y nakasakay na. Maghahanap tayo ng pwesto para makaupo ng maayos.

tanong]Kapag may sumakay na lalake (yung iba lang ha, dehins ako?!), alam nyo ba ano ang unang nasa isip nila? eto, sino ang makakatabi ko, sana chicks at maganda! Eh sa babae? Pumapasok sa Jeep habang tinatakpan ng kamay kung ano man ang dapat takpan(kasi naman kitang kita ni Boss Driver ang lahat dahil may salamin sya...)Eh ang matanda? Hindi muna sasakay yan. Tatayo muna at titingin sa mga kalalakihan na nakasakay na habang ang kanyang mga mata ay nagpapahiwatig na NANGUNGUNSENSYA sa bawat tumingin sa kanya para ito'y magpaubaya! Eh sa bata? KadaLasan sila ang pinaka masuwerteng pasahero. Nakasakay sila habang sila ay kalong kalong ng kanilang ina o sino man ang kasama nila(sana sa tanda kong toh, pwede pa din akong kalungin ng iba...)!



no.4]Habang umaandar na ang Jeep, hindi natin maiiwasan ang mga maLiLikot na mata ng ibang tao sapagkat ang inuupuan natin sa loob nito ay magkatapat at masyadong magkalapit ang distansya ng magkabilang upuan.

tanong]Ano-ano nga ba ang dahiLan bakit may mga ganitong mga matang nakatingin syo kapag ikaw ay nakasakay na? Una, Kasi may magandang chicks na nakasakay, na halos agaw tingin sa mga kalalakihan at ganun din naman kapag may gwapong lalake(hindi ako yun ah...)na agaw eksena din sa mga kababaihan. Pangalawa, may kakaibang nagsuot ng damit na halos talagang nagpapapansin, ito may bago, luma, damit na kita ang lahat sayo, at damit na kapareho ng sayo. Pangatlo, tumunog ang cellphone mo kasi ito ay nasa loud mode at ito'y iyong kukunin at ilalabas. Kapag bago ang model nito, sigurado agaw eksena sa mga pasahero at ikaw naman ay napaka-showee. Kapag luma ang model naman, malamang titignan ka nga, pero sagLit lang at may kasamang pang pagkutya sa utak ng tumingin. Pangapat, kung ikaw ay Lasing malamang titignan ka talaga ng mga nasa Jeep sa bawat galaw ng iyong ulo, kasi nagiisip at nakikiramdam sila kung pano makakailag sa anumang maaari mong ilabas. Panglima, kapag ikaw ay nabuking! Maliban sa nakakatulog ka at tumatama ang iyong ulo sa katabi mo, Kasama na dyan syempre ang pagkakalat ng ano mang toxic na galing sayong katawan mapahangin man oh mapa...Ka-BLaM! At higit sa lahat, natuklasan ng driver ang iyong lihim, sabay banat si Boss Driver ng "oh yung nasa dulo dyan hindi pa nagbabayad makunsensya na?!" Patay kang bata ka, talagang pagtitinginan ka. Sabay banat uli si BOss Driver ng "tang-ina ka ah, 1-2-3 boy ka pala ah?!"



no.5]May pagkakataon na mabilis magmaneho si Boss Driver, upang mapadali ang pagpunta sa destinasyon. Madami tuloy ang nababahalang pasahero kapag ganitong kaskasero si Boss Driver.

tanong]Ano pang dahilan bakit humahataw ang Jeep ni Boss Driver? Nasisiyahan siya kasi naiiwanan nya yung mga kasunod nyang mga sasakyan. Nasisiyahan sya kasi nakakatakas sya sa trapik. Nasisiyahan sya kasi maabutan pa nya ang paborito nyang palabas sa T.V sa kanyang paguwi. Nasisiyahan sya kasi nakikita nya kung pano magreact ang mga magagandang chicks na pasahero habang kadjot nang kadjot ang Jeep nya. At higit sa lahat nasisiyahan sya kasi ang daming mga sabit na hindi nagbabayad sa likod ang isa-isang tumitilapon sa bawat maneobra nya sa kanyang manibela!




Teka mukang mahaba na ito. Alam kong madami pa at higit pa sa mga sinabi ko dito ang mga nararanasan natin kapag tayo'y nakasakay sa Jeep. Eh wala tayong magagawa, kasi isa lang ang Jeep sa mga alam nating kayang kaya ng ating bulsa para makarating sa ating nais puntahan. Ang sinulat ko dito ay base sa mga "NAPAPANSIN KO" at naiisip kong mga detaLye. Salamat sa pagbabasa. Mabuhay si Jayvee, Mabuhay si Boss Driver, Mabuhay ang mga Pinoy!!!

Wrote On|10:47 PM|

____________________

Tuesday, June 14, 2005

[Bawat daan......]



Bawat daan bumabaLik nanaman, parang hindi ko na kayang pigiLan?! Pero pano? Baka kasi...?! NaaaLaLa ko nanaman, nagkaka ganito nanaman ako. Bawat daan nagduduLot ng pagkabaLisa, nagiisip, naLuLungkot, nasasabik. Bawat daan! Hanggang keLan? Hindi maiLabas, hindi magawa, hindi masubukan. Bawat daan! Bawat daan ang daming pagkakataon na nais mahawakan na kasama ka pero iyon ay dumadaan lang. Nandyan ka lang sa malapit, aabutin ka na lang pero iyon ay dumadaan lang. Buo na ang pasya handa na ang lahat para makita ka pero iyon ay dumadaan lang. Alam ko na ang gagawin ko at ang mangyayari kung sakali pero iyon ay dumadaan lang.
Bakit ganito? Hindi ko ba sya pwedeng pahintuin na lang? Hindi ko ba sya pwedeng patigiLin sa oras ng pagiisa? Hindi ko ba sya pwedeng harangin at sabihing " ok lang ba, sasabayan na lang kita? ". Sa tuwing ikaw ay dadaan, ang laki ng ipinagpapasaLamat ko na kahit dumadaan ka lang sa utak kong toh, umaasa pa din ako na tatambay ka din sa piLing ko?! Sana...

Wrote On|8:51 PM|

[June2FirstDayofSkuL]



Bagong araw nanaman na puno ng PAGAARAL! Teka pag-aaral nga ba? hehehehe... eh pano ba naman first day of skuL waLa akong pinasukan na kahit isa sa mga kLase ko, kundi tumambay, kumaen, matuLog lang sa campus!!! Teka napagtripan pala naming magpaLamig sa ROBINSON's PLACE, ayon nakapanood pa kame ng MADAGASCAR (i Like to move it, move it!) ang kuLet! Halos tawa kami ng tawa nun kuLang na lang isuka namin ung kinaen naming sisig kiLa Manong. SuLit yung 90 box! Kinabukasan secong day of skuL, xempre ganun pa din yung pinagagagawa namen sa skuL, tumambay, kumaen, matuLog. Meron pa paLa, napagtripan niLang magLaro ng PS2 habang ako, tuLog! Tapos siLa hindi nagsasawa sa kakapindot kaharap ang TV, paggising ko sibat na daw! Third day, ako lang merong kLase pero hindi pa din ako pumasok. Ganun uLe tambay, kaen, tuLog, PERO naayos ko na yung skedyuL ko. PutaH, ang haba ng piLa sa mga nag-aayos ng sked, buti na lang pinagtyagaan ko, naidLip sandli habang nakapila! Medyo hindi ata ako late umuwi nun, wala eh nakakatamad na! 4th day, Monday na uLe pasok ko, mukang lahat ay nasa ayos na, keLangan ng pumasok baka hinahanap nako ng mga paborito kong Prof. Sa wakas wala akong problema sa mga subjects, kaya naman eh kahit hindi ko na kakLase mga tropa ko. Natapos ang araw na iyon ng maayos, kasi umuwi kagad ako ng maaga para abutan yung NARUTO. Eh kaso hindi ko na naabutan badtrip talaga, umpisa na ng finaL match ni NARUTO pati NEDJI! Sayang talaga. Ang mga sumunod na araw ay naayon naman, kasi sinisikap kong hindi tamarin, pero xempre kelangan matuLog sa skuL kapag may vacant. hehehehehe......

Wrote On|6:29 PM|

____________________

-DrEnCh aLL the WiReS at the bacK of those AmpLiFied hEaDz...

Ang Inyong Lingkod [aBuSeR]:Jayvee Michael Zuniga [Attitude]: Mayabang, wala namang mapagmayabang. Nagmumura. Nagsisinungaling. Bastos. Suplado. Maingay. Malakas magtrip. Maharot. Magulo. Madaling maasar. Mainipin. Sensitibo. Madamot. Mahirap intindihin. Mahirap alagaan. Madaling masakyan. Madaling lokohin. Pagtyagaan nyo lang akong kiLaLanin lahat babaguhin ko, pwede?
[B-day]: Nov. 13, 1986 [Nicks]: KrAcKy [Bahay]: Isang kanto kaLiwa sa NovaLiches [Skool]: Far Eastern University [Food]:Kahit ano basta may SaBaw!!!
eh kasi ayoko ng DRY kapag nilulunok ko ung food...
ang hirap kayang Lunukin db?! [Drinks]:-->H2O and MiLk everyday! Taz kahit ano na..... [Pastimes]:-->MagAraL sa bahay! i drink miLk a lot, maLigo ng maLigo, pLayin basketball, watchin TV, soundtrip, abusing computers, tambay sa skuL kapag vacant.[GirLs]: i Like girLs NOT WEARIN MAKE-UP!!! girLs who understand, that not all guys are financiaLLy Loaded...kasi allowance ko pa lang kuLang na sakin eh...


[Friendster Acct.]: jayzvee@walla.com
[Yahoo Mail]: jayzvee@yahoo.com


x/:>Investors of my blog

Blogger.com ripway.com
FEU Microsoft







[Mga Amigos De Miyo!]







-=[AiaNe]=- -=[JeFF C.]=- -=[BoC]=- -=[Ivan]=- -=[JeFFrey]=- -=[Rocky]=- -=[WaLdo]=- -=[PauLeen]=- -=[Fia]=- -=[aVa]=- -=[Doc]=-



January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
July 2006
August 2006
October 2006
November 2006
December 2006
February 2007



slapshock FHM MaGz! Ogrish!
spawn! nike! Pistons.com!
and1! NbA! tonyhawk.com!
tekken IV marvel linkin park
MJ! Ask.com! Frenster!




Your fuck'n IP address is 192.168.2.2
Provided by your Internet Service Abuser
Right click is being disabled

Plagiarism is Good, but prohibited you AssHoLe!
Contents of this site are established by my fuck'n creativity. Walang papaLag, ok?!
Copyright ©2006

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com