Monday, October 31, 2005

["LoLa bLess po..."]

"Lola Bless po?!" those words ang hindi ko makakaLimutan kapag dinadalaw ko si Lola. After nun biglang mapapa-smyL na sya! Ang sayang balikan ang mga moments na nakakasama ko pa si Lola. Mga moments na nagbigay sa kanya ng sakit ng uLo dahil sa kakulitan ko, mga moments na pinagsasabihan ako, mga moments na pinapagaLitan ako, mga moments na ngumingiti sya kapag naghaharutan kame, mga moments na magkasamang manood ng T.V lalo na ng classic na pinoy movie, pati eat bulaga, mga moments na pinagluluto nya akong baon ko sa skul pati ng brekfast ko, mga moments na sabay kaming kumaen, mga moments na tinitirhan nya ako ng rice kasi ang lakas kong kumaen, tapos kapag naubos na ipagsasaing nya ko kagad, mga moments na sabay kaming magsimba, mga moments na sabay na nagdadasal, mga moments na sumasama ako kapag may prayer meeting sa simbahan, mga moments na namamasyal dati sa SM, mga moments na inaalagaan nya ako kapag may sakit, mga moments na binibigyan nya ako ng baon kapag hindi ako binigyan ni dadi, mga moments na tinatahi nya mga sira kong damit and usually mga shorts ko kasi ang likot ko dati kaya nasisira, mga moments na pinaghahanap nya ako ng mga bagay na nakalimutan nya kung saan inilagay....at madami pang mga malulungkot at mga masasayang moments sa buhay ko na kasama ko pa sya, isa sa mga hinding hindi ko makakaLimutan na moments eto talaga...

Kinder ako nun, earLy morning bago pumasok sa skul, gumising si Lola ng maaga para magprepare ng almusal ko. NaaLaLa ko pa, isang pritong itLog yung almusal ko. Ginising nya ako pero hindi ako bumangon agad kasi tinatamad akong gumising, pero stiLL ginising nya pa din ako. After nun kumakaen na ako nung almusal ko, pero andun padin yung katamaran ko then naligo nako, pinuLbusan nya ako at binihisan. Tapos.....i think while she's preparing my baon, bigLa akong lumabas ng bahay at tumakbo ng mabilis, so nagtataka ngayon yung lola ko?! Kasi naman tinatamad akong pumasok that time, eh di medyo galit na yung lola ko, hinanap nya ko. Dumating yung point kung saan nakita nya sa labas and then tinakbuhan ko sya para makatakas...hehehehe si Lola hinabol ako!!! Kasi naman andun na pala yung service ko hinihintay na ako pahatid sa skuL. Naalala ko pa naka-sando and short pa ako habang hinahabol ako ni Lola at ayun syempre inabutan ako ni Lola na galit na galit at ako naman iyak ng iyak kasi nga ayokong pumasok ng skul.

Iyon ang pinaka-hinding hindi ko makakaLimutan talaga!!! Ang sayang baLikan, ang sayang makasama si Lola nung mga panahong ganun pa sya kalakas. Mga sandaling ang sarap isipin. Habang tinatype ko to, si Lola nasa isip ko pati yung mga moments na nagbigay sakin ng mga masasayang sandali na buhay pa sya kasama namin at kasama ko... kung bumalik lng ako sa mga panahong ganun pala yung nagawa ko kay Lola na tinakbuhan ko sya, hindi na ako tatakbo. Lalapitan ko Lola ko, yayakapin ko ng mahigpit na mahigpit at sasabihin ko....

Lola, mahal na mahal ko po kayo. Salamat po sa pagaalaga sakin, sa pasensya at sa pagmamahal na binigay nyo. La, alam ko po na masaya na kayo ngayon kung saan man at nagpapasalamat din po ako kasi binabantayan nyo po kaming lahat at alam ko po, ako din hindi nyo pinapabayaan....thank you LoLa. I LOVE YOU PO!"

P.S
Pupuntahan po namin kayo LoLa
bukas lahat po kami pupunta!

Wrote On|8:07 PM|

____________________

Thursday, October 27, 2005

[SopLak!]

//dalhin mo ako sayong paLasyo, maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian...//


Ang buhay! Life! Nagpagisip-isp ko na ang dami ko palang mga bagay na dapat inaaLagaan at ipinagpapasaLamat.

Siguro mahigit 1 month or 2 months na din akong nahimLay sa pagiisip ng kung ano-anong bagay. Uunahin ko na! Sa loob nun, tanong ko lang, baket naiisip ko ang isang babaeng minsan ko lang nakita at nakausap sa skuL, malamang may impact na tumama saken! Ayun sopLaK na sopLaK...pero di ko alam kung may patutunguhan tong pagiisip ko?! Pero meron eh, ayoko namang maging unfair sa sariLi ko. Eh masaya kasi ko kapag naiisip ko, kapag binabaLikan ko yung moment na kausap ko at yung liwanag na nagpapakita saken na gaLing sa kanya. May oras na gusto kong masiLayan, may oras na gusto kong maging masaya na sya lang yung nakikita kong makakapagbigay. Isang kasiyahan na walang katuLad as in hindi pirated, originaL!!! Lumalakas loob ko kapag dumadaan sya sa isip ko parang ......cge.... dumaan kayo lahat, kaya ko kayo kasi eto sya eh, ang LIWANAG ko?! TuLong pa kayo!!! Ang saya ng ganung feeLing. Para bang ayaw ko ng maaLis yung ganung pakiramdam. Sa dami ng dumadating na probLema ngayon sa buhay ko, andun sya kahit wala syang ginagawa, kahit hindi ko sya nakikita, kahit sa UTAK ko lang sya nasisiLayan,...ANG DAMI MO NG NATUTULONG SAKEN?! Basta baLang araw kahit na magiba yung ikot ng panahon na magkita tayo, kahit sabLay, THANKFUL PA DIN AKO, SA IMPACT NA TUMAMA SAKEN MINSAN SA BUHAY KO?! SOPLAK........

Wrote On|8:43 PM|

____________________

-DrEnCh aLL the WiReS at the bacK of those AmpLiFied hEaDz...

Ang Inyong Lingkod [aBuSeR]:Jayvee Michael Zuniga [Attitude]: Mayabang, wala namang mapagmayabang. Nagmumura. Nagsisinungaling. Bastos. Suplado. Maingay. Malakas magtrip. Maharot. Magulo. Madaling maasar. Mainipin. Sensitibo. Madamot. Mahirap intindihin. Mahirap alagaan. Madaling masakyan. Madaling lokohin. Pagtyagaan nyo lang akong kiLaLanin lahat babaguhin ko, pwede?
[B-day]: Nov. 13, 1986 [Nicks]: KrAcKy [Bahay]: Isang kanto kaLiwa sa NovaLiches [Skool]: Far Eastern University [Food]:Kahit ano basta may SaBaw!!!
eh kasi ayoko ng DRY kapag nilulunok ko ung food...
ang hirap kayang Lunukin db?! [Drinks]:-->H2O and MiLk everyday! Taz kahit ano na..... [Pastimes]:-->MagAraL sa bahay! i drink miLk a lot, maLigo ng maLigo, pLayin basketball, watchin TV, soundtrip, abusing computers, tambay sa skuL kapag vacant.[GirLs]: i Like girLs NOT WEARIN MAKE-UP!!! girLs who understand, that not all guys are financiaLLy Loaded...kasi allowance ko pa lang kuLang na sakin eh...


[Friendster Acct.]: jayzvee@walla.com
[Yahoo Mail]: jayzvee@yahoo.com


x/:>Investors of my blog

Blogger.com ripway.com
FEU Microsoft







[Mga Amigos De Miyo!]







-=[AiaNe]=- -=[JeFF C.]=- -=[BoC]=- -=[Ivan]=- -=[JeFFrey]=- -=[Rocky]=- -=[WaLdo]=- -=[PauLeen]=- -=[Fia]=- -=[aVa]=- -=[Doc]=-



January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
July 2006
August 2006
October 2006
November 2006
December 2006
February 2007



slapshock FHM MaGz! Ogrish!
spawn! nike! Pistons.com!
and1! NbA! tonyhawk.com!
tekken IV marvel linkin park
MJ! Ask.com! Frenster!




Your fuck'n IP address is 192.168.2.2
Provided by your Internet Service Abuser
Right click is being disabled

Plagiarism is Good, but prohibited you AssHoLe!
Contents of this site are established by my fuck'n creativity. Walang papaLag, ok?!
Copyright ©2006

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com