"Lola Bless po?!" those words ang hindi ko makakaLimutan kapag dinadalaw ko si Lola. After nun biglang mapapa-smyL na sya! Ang sayang balikan ang mga moments na nakakasama ko pa si Lola. Mga moments na nagbigay sa kanya ng sakit ng uLo dahil sa kakulitan ko, mga moments na pinagsasabihan ako, mga moments na pinapagaLitan ako, mga moments na ngumingiti sya kapag naghaharutan kame, mga moments na magkasamang manood ng T.V lalo na ng classic na pinoy movie, pati eat bulaga, mga moments na pinagluluto nya akong baon ko sa skul pati ng brekfast ko, mga moments na sabay kaming kumaen, mga moments na tinitirhan nya ako ng rice kasi ang lakas kong kumaen, tapos kapag naubos na ipagsasaing nya ko kagad, mga moments na sabay kaming magsimba, mga moments na sabay na nagdadasal, mga moments na sumasama ako kapag may prayer meeting sa simbahan, mga moments na namamasyal dati sa SM, mga moments na inaalagaan nya ako kapag may sakit, mga moments na binibigyan nya ako ng baon kapag hindi ako binigyan ni dadi, mga moments na tinatahi nya mga sira kong damit and usually mga shorts ko kasi ang likot ko dati kaya nasisira, mga moments na pinaghahanap nya ako ng mga bagay na nakalimutan nya kung saan inilagay....at madami pang mga malulungkot at mga masasayang moments sa buhay ko na kasama ko pa sya, isa sa mga hinding hindi ko makakaLimutan na moments eto talaga...
Kinder ako nun, earLy morning bago pumasok sa skul, gumising si Lola ng maaga para magprepare ng almusal ko. NaaLaLa ko pa, isang pritong itLog yung almusal ko. Ginising nya ako pero hindi ako bumangon agad kasi tinatamad akong gumising, pero stiLL ginising nya pa din ako. After nun kumakaen na ako nung almusal ko, pero andun padin yung katamaran ko then naligo nako, pinuLbusan nya ako at binihisan. Tapos.....i think while she's preparing my baon, bigLa akong lumabas ng bahay at tumakbo ng mabilis, so nagtataka ngayon yung lola ko?! Kasi naman tinatamad akong pumasok that time, eh di medyo galit na yung lola ko, hinanap nya ko. Dumating yung point kung saan nakita nya sa labas and then tinakbuhan ko sya para makatakas...hehehehe si Lola hinabol ako!!! Kasi naman andun na pala yung service ko hinihintay na ako pahatid sa skuL. Naalala ko pa naka-sando and short pa ako habang hinahabol ako ni Lola at ayun syempre inabutan ako ni Lola na galit na galit at ako naman iyak ng iyak kasi nga ayokong pumasok ng skul.
Iyon ang pinaka-hinding hindi ko makakaLimutan talaga!!! Ang sayang baLikan, ang sayang makasama si Lola nung mga panahong ganun pa sya kalakas. Mga sandaling ang sarap isipin. Habang tinatype ko to, si Lola nasa isip ko pati yung mga moments na nagbigay sakin ng mga masasayang sandali na buhay pa sya kasama namin at kasama ko... kung bumalik lng ako sa mga panahong ganun pala yung nagawa ko kay Lola na tinakbuhan ko sya, hindi na ako tatakbo. Lalapitan ko Lola ko, yayakapin ko ng mahigpit na mahigpit at sasabihin ko....
Lola, mahal na mahal ko po kayo. Salamat po sa pagaalaga sakin, sa pasensya at sa pagmamahal na binigay nyo. La, alam ko po na masaya na kayo ngayon kung saan man at nagpapasalamat din po ako kasi binabantayan nyo po kaming lahat at alam ko po, ako din hindi nyo pinapabayaan....thank you LoLa. I LOVE YOU PO!"
P.S
Pupuntahan po namin kayo LoLa
bukas lahat po kami pupunta!