Nahihilo ako nung July 26, kaya after ng klase ko ng 5pm umuwi na ako kagad. At buti na lng umuwi ako kagad. Ang saya ko at buti na lng umuwi ako kagad. Isang kaganapan sa jeep nang ako'y umuwi na galing iskul. Novaliches Bayan ang sinakyan ko pauwi galing Blumentritt. Haaaay...sa wakas sabi ko sa sarili ko ng ako'y nakasakay na at balak ko ng matulog habang naksakay sa jeep. Naidlip ako sandali. Mayamaya ay may biglang huminto ang jeep at hindi ko alam sang lugar na huminto. Nang aking imulat ang aking mga eyes may sumakay na babae, di ko pinansin dahil ako'y inaantok at nahihilo sa pagkakaupo sa jeep. Pagkalipas ng ilang minutes, umaandar padin ang jeep. Nang ako'y lumingon sa isang pwesto sa jeep. AmpoTah, " ang cute naman neto..." iyon ang aking nasa isip ng lingunin ko ang isang babae na sumakay kanikanina lamang. Pare etong girL na toh ang ikalawang babaeng nakita ko na sobrang ganda na sumunod kay Zinah! Sobrang simple, walang make-up, naka tie up yung hair, light complexion, sobrang neat tignan, sobrang feminine gumalaw, mala anghel yung face nya, hindi maarte, walang accesories sa katawan at ang cute kasi nakaschool uniform sya at sa uste ata nagaaral. Tzong kakaiba na feel ko nun. Parang pakiramdam ko kapag nakikita ko sya kahit pasulyap lang, ang saya ng pakiramdam, lalo na nung tumingin din sya saken. Haaaaaay...nahiya tuloy ako dahil di akalain na lagi na din syang sumusulyap saken. Napapangiti ang isip ko, natutuliro sa mga sandaling masulyapan ko sya sa kanyang pagkakaupo sa jeep. Pare, pustahan tayo kahit 500 pesos
sya yung SOULMATE ko! Hindi ako pwedeng magkamali dahil iba ung feeling kahit ilang minutes lang kaming nagkatinginan. Sabi ko sa sarili ko na lalapitan ko toh oras na bumaba na sya. Wow pare, ang dami kong gustong sabihin about to her. Mga feelings na di kayang ipaliwanag at i-type dito sa bolg ko. Sobrang nakakatuLiro sa utak yung moment na yun. Kapag tumitingin din sya saken parang napifeel ko na ako na lang hinihintay nya na kausapin ko sya. Masasabi ko, toL itong girl na toh ang talagang hinding hindi ko iiwan, aalagaan higit pa sa lyf ko, gagawin lahat ng magpapaligaya para lng magbibigay ng smile sa face nya. Pare lahat ng klase ng respeto at pagiintindi mukang gagawin para lang sa girl na yun kung nagkataon nakilala ko sya. Kapag niligawan ko yun, lahat gagawin ko tol, kahit na ilang beses nya kong bastedin di padin magbabago feelings ko sa kanya. Kaso nauna akong bumaba sa kanya. Taenang yan talaga. Huling sulyap ang binigay nya saken nang ako'y pababa na ng jeep. Pero ang moment na yun na kahit sandali lang hindi pdin naalis sa utak ko! Taena! Iniisip ko pdin yung face nya pati yung boses nya nung nagbayad sya ng pamasahe until now. Parang ang sarap kasing isipin. Balang araw sana makasabay ko ule sya sa jeep. Lord God plz. naman sya na po kasi ata eh...